Para sa mga Misis by Pastor Rey Clemente

Taking Manhood Back

Para sa mga Misis by Pastor Rey Clemente

Para sa mga Misis:

Hoy Miisis…’lika sandali may sasabihin lang akong mahalaga sa iyo tungkol sa Mister mo. Narito ang mga panuntunang makatutulong sa iyo para mapagawa mo siya ng kahit ano.

1. RESPECT – Mas madaling mapasunod si Mister kung magalang kang mag utos (makisuyo) sa kanya. Instead of saying: Hoy, batugan, wala ka na bang ibang gustong gawin kundi ang manood ng TV etc….Say: Sir, pwede na ba kayong mag laba…Sir? The Bible says, “Wife, see to it that you respect your husband” Eph 5

2. WAIT PATIENTLY FOR RESPONSE – Di mo ba napupuna na hindi agad nag re-act si Mister sa mga sinasabi mo, lalo na’t pag hysterical ka na. Ito ay dahil sa ang mga lalaki ay medyo mabagal talagang mag isip. hindi sya bobo…Pinagiisipan lang nya ng husto ang mga sinasabi mo. Pag may sinabi ka ngayon, posibleng bukas pa siya mag re-act…so Wait ka lang sweetheart….ma ge-gets din nya ang sinasabi mo…hopefully within the next 7 days to a month.

3. DRESS WELL AT HOME – Ang mga G.R.O o Hospitality girls ay ubod ng gaganda….kaya nakukuha nila ang pera ng Mister mo. Suggestion: Maligo at mag pabango, Mag-bihis ng maganda at maging kaakit-akit. Mag lipstik para di ka mukhang multo, at suklaying maayos ang buhok para di ma mukhang bruha….in short, maging mas maganda kaysa mga G.R.O…..Subukan mo ring mag suot ng sexing damit at high-hills…tingnan mo ang epekto sa kanya?

Kahit anong sabihin mo…tyak gagawin nya.

 

Comments are closed.