Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Hindi Boto, Bothering, Rejection

1. Pastor what if the bible study leader of the girl that I am courting highly influences her decisions. Her leader does not like me for some unknown reason and she always tries to stop us from going out. PS: we’re both single professionals na.

Hmmm, baka may gusto sa iyo yung leader niya. Kung hindi naman pwede ding nagseselos yung leader niya. Or pwede ding gusto ng leader niya di na magasawa yung girl or pwede ding controlling at manipulative ang leader or pwede ding may alam si leader sa iyo na hindi alam ng iba. Ano kaya doon?

Pero sa mga nag li-lead ng mga small groups, tandaan niyo hindi natin pwede i control ang nililead natin. Ang authority natin sa kanila hanggang sa pagturo lang ng Bible at hindi pakialaman ang love life nila. Bigyan natin sila ng biblical principles pero dont decide for them. Let them decide lalo na kung singles na ang group na nililead mo.

2. i have a question. i like a girl, schoolmate kami nung high school. she is a leader in her church at ayaw ko din naman maging bother sa kanya. the problem is di nya ako kilala personally, i want to pursue her, but yun nga ayaw kong maging bother sa kanya

Parang naguluhan ako sa tanong mo. It’s bothering me. Kung hindi malinaw ang gusto mong gawin sa babae – don’t bother. Hindi pwede ang panliligaw na urong-sulong. Kailangan mo mag decide brother kung liligawan mo siya o hindi. By the way, mas okay din kung kilala ka niya.

3. dapat ko pa bang aminin sa babaeng gusto ko yung nararamdaman ko? kahit na alam kong 100% marereject lang ako? iniiwasan na niya kasi ako, pero friends naman kami. baka maging awkward pa lalo samahan namin. thanks po

Kung sure kang iniiwasan ka niya at wala ka talagang chance – baka huwag na. Pero kung di ka rin makatulog at baka magkaroon ka pa ng mga WHAT IF WHAT IF questions dahil hindi mo ginawa, then aminin mo yung nararamdaman mo. At the end of the day wala namang magbabago kung ayaw ka niya. Nung hindi mo inamin na gusto mo siya ayaw ka  niya. Ngayong nagtapang ka at inamin ang feelings mo – ayaw ka pa rin nya so technically it’s a win-win situation. Awkward naman na samahan niyo.

rejecting woman

Facebooktwittergoogle_plusmail