Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Playgirl, Incest, She’s too good for me questions

1. Pwede ka ba makipag kilala sa iba kung may boyfriend ka? Or wag na lang kasi kulong ka na sa relasyon na yun?

Sister, mukhang prisoner of love ka ata. Kung feel mo kinukulong ka ng boyfriend mo, mag isip ka muna bago pa lumalim ang lahat. Atsaka, okay lang naman makipagkilala sa iba pero kung nasa isip mo eh medyo may hint na romantic, ano ka ba? Hindi ka ba kuntento sa isa. Kasi kung hindi, hindi ka din ready for a commitment.

2. How do I advise a friend who’s in a relationship with her first cousin?

YOU: Friend, may sasabihin ako sa iyo.

FRIEND: Ano yun?

YOU: Incest yang ginagawa mo. Kadiri ka.

Seriously, incest is a serious matter. Long term walang maidudulot yan kung hindi sakit ng puso at emotion. Pati nga sa Bible pinagbawal yan. May rason si Lord kung bakit hindi pwede.

shes_too_good_for_you_bro_quote_postcard-rb6d24dfcb36e45fb9bacec5ad3d9f337_vgbaq_8byvr_3243. May gusto po akong girl…but im doubting na pwede maging kame in the future. una sa thought na she’s too good for me…2nd po, I had a shameful past and im afraid na di magustuhan ng family nya. salamat po

Wala ka bang ambition sa buhay. Is it too expensive to dream big. Kung mababa ang tingin mo sa sarili mo dalawa lang yan. Either totoo yung tingin mo sa sarili mo or mababa ang tingin mo sa sarili mo. Wala naman mawawala kung binasted ka ng girl at least you tried at di mo pinagsisihan. Wala ng WHAT IF? questions.

Wala na tayo magagawa sa past mo pero buti na lang ang papakasalan mo eh yung babae at di yung parents niya. Kung na overcome mo na past mo at pinatawad ka na ni Lord, there is nothing to be ashamed of. Ganyan kabait si Lord sa atin.

Facebooktwittergoogle_plusmail

Comments are closed.