Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Lesbian, Pre-Nup, Friendship

1. im a girl po at may girlfriend po ako. alam ko po na mali at wala pong hahantungan ang gantong relationship. kaso mahal na namin ang isat isa. hindi ko po alam pano ititigil at hiwalayan na sya..

Sister you are in a lesbian relationship. Ikaw na din nagsabi na mali ito at walang patutunguhan. Ikaw na din nagsabi na mahal mo siya at mahal ka niya. Ikaw na din nagsabi in a way na gusto mo na tong itigil at humiwalay pero di niyo magawa.

Ang akin lang, kung mahal mo talaga ang isang tao, ang foundation dapat strong at most importantly biblical especially if you are a Christian and holding to a biblical worldview. Kung mahal mo talaga siya, alam mo na ang dapat gawin. Pero kung mas mahal niyo ang sarili niyo, di talaga kayo maghihiwalay kahit wala ng patutunguhan ang relationship niyo.

Sister, do yourself a favor and do your GF a favor, magisip isip kayo ng mabuti. Walang babae sa tamang isip na tutuloy sa isang bagay na mali at walang hahantungan. Mukhang what you need now is to experience that God’s love for you is bigger than any kind of love that a person could offer.

prenuptial-agreement2. As a Christian, is it okay to have a prenuptial agreement?

Okay lang naman ang pre-nup kung pictorial pero kung pre-nup agreement medyo malabo. Bakit kamo? kasi sa pre-nup agreement ang foundation ay mistrust and not love. Parang pumasok ka sa marriage na may balak na lokohin ang tao or di ka magtatagal. Parang ang theme song niyo “till the right one comes along”.

Personally, insulto sa akin ang pre-nup. Mukhang di ko kaya magasawa sa isang babae na gusto may pre-nup agreement kami unless ang habol ko lang talaga sa kanya pera or vice versa.

3. What if you consider a friend as potential spouse? Should i still continue friendship with him?

Of course, ang best foundation sa marriage is friendship. Dapat friend muna bago mo ligawan. Get to know her more. Pag friends less awkward at may advantage kasi alam niyo na ang bango at baho ng isa’t isa.

Now sister, ingat lang at huwag magbigay ng hint hint or flirtatious action sa friend mo baka kasi mapilitan lang siyang mag move sa iyo pero di naman talaga marriage ang hanap niya sa iyo kung hindi friendship lang.

Facebooktwittergoogle_plusmail