Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Homesexual Question ulit and Online Dating…

1. I am a Christian struggling with homosexual attraction. Itong kasalanan na ito ay bitbitin ko na yata hanggang mamatay ako.  Lumaki ako sa bahay na walang father figure, wala parati ang tatay ko at hindi ko nadama ang presensa ng kahit sinong lalaki sa aking paglaki. I remember growing up na sinusunod ko ang mga galaw ng teacher ko na mga babae. Then I started longing for males in my life, until it was sexualized.  I fell into sin many times even I am faithful in the church. Then I realized I had not understood the gospel at al, worst not saved. I even went to Bible School. 

Nagka-relasyon po ako at nagstruggle sa internet images. Walang nakakaalam sa church namin na homo ako, (pero I am sure may duda na silang lahat). I am 22+ years old at pinipressure na nila akong magka nobya at mag-asawa. Pastor gusto ko, pero wala talaga sa feelings ko. Ilang beses na akong umiyak ng todo-todo sa Panginoon. I even felt suicidal and spiritual abandonment. I want to give up this “church” life and tempted to live a city life in sin with no accountabilities. Maghahanap po ba ako ng babae kahit alam kong hindi tunay ang nararamdaman ko? Biniyayaan ako ng medyong gwapong mukha kaya dudang duda ang lahat na wala akong nobya. 

Pagdating sa issue ng homosexuality, touchy talaga ( no pun intended) unang una kasi ang pinanghahawakan kong worldview is the biblical worldview that homosexuality is a sin in the eyes of God. Hindi ibig sabihin na hindi welcome ang mga homoexuals sa church or sa bahay namin. In fact, madaming homosexual umaatend sa church namin and they realize they need God like any heterosexual being. So first, di siya special na kasalanan. Lahat tayo kailangan natin si Lord.

Sa unang statement mo medyo na feel ko na resign ka na sa fact na di ka na magbabago. Not a good thing to be in. What you tolerate you cannot change. So as what I said, homosexuality is not a special sin and it needs no special treatment. Madami kasing mas liberal ang thinking inaangat ang homosexuality pero kung sinabi mo yung biblical worldview nagagalit at sinasabing hater ako – eh di ko naman sinabi sabi lang ni Lord at sila nagpapalaki sa issue.

Anyway back to the topic – just like any other sin that I also struggle with tulad ng gluttony, laziness and lust – we as Christians need to ask God’s grace to overcome sin. Secondly, is to trace why you act a certain way ( whether homo or heto). Madalas kasi may mga idols tayo sa puso natin na di natin mabitawan – like wanting to be loved and accepted by people or approval addiction when in Christ you can actually get that AGAPE kind of love na unconditional.

Minsan naman may mga traumatic experiences like na molest ka nung bata ka. Most of the cases sa church that I have personally prayed for – ang history either na molest sila nung bata or absentee father. That is why God promises that God is the father of the fatherless and that He will inflict his wrath on those who have hurt you. Kampi mo ang Diyos if may case ka of sexual molestation and injustice done to you.

Lastly, to be more practical is that you get pastoral counselling about your situation. Di ka nag iisa. Madaming tulad mo who are going through the same experience. I will be praying for you brother. Tandaan mo mahal ka ni Lord!

2. Pastor, is it okay po ba na nameet yung future husband/wife through social networks, like fb, twitter, etc? Then both of you became friends personally and the rest was history?

Okay lang naman though personally di ko siya prefer option though may friends akong married na and they met through online dating site. Malalki kasing chance of deception dahil madaming tao sa internet nagpapanggap lang. Ingat lang sabi nga ni John Lloyd kasi kung masamang tao o manyak makuha mo… sasakit lang ang ulo mo and Biogesic wont suffice…

Online-Dating-Stats

Facebooktwittergoogle_plusmail

Comments are closed.