Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Babaerong Boyfriend at and Babeng Confuse and another possible rebound relationship

1. Twenty seven years old na po ako ngayun and sobrang confuse po ako kung anu po yung gagawin ko. May boyfriend po ako ngayun Christian din po siya, 2011 po kami nagkakilala and last May 2012 po nagsimula po siya magsabi sa akin na ipingpray niya daw po ako to be his wife and then october 2012 po kinausap niya po yung pastor niya at pastor ko na liligawan niya po ako even sa parents ko po.

Pinag fast ko po ito at ipinag pray ko po and this year Feb sinagot ko po siya with faith na after a year magplan n po kami na magpakasal, both of us po nagkasundo pero last august po nahuli ko po xa na may katxt po na iba and napaamin ko po xa nahuhulog na po yung loob niya dun sa girl at parang nawawala daw po yung love niya sa akin, he was physically attracted po dun sa girl so I decided po na makipgbreak pero ayaw niya po kasi daw wala nmn daw po sila relasyon its just that nung time na nagkatampuhan po kami nandun po lagi yung girl.

And the fact po na sinekreto niya po at nahulog na po yung loob niya I have the reasson na makipghiwalay (bago po xa nging christian babaero daw po xa at proven po yun kassi sinabi din po sa kin nung mga kamaganak niya at aminado nmn po xa).. ito pong buong september kinukulit niya po ako na magkaayos po kmi na magbalikan po kami…bumalik n nmn po xa dito sa bahay para kausapin yung parents ko.

Honestly po hindi ko po maintindihan yung sarili ko kasi bakit kahit ganun po mahal ko pa po siya pero everytime naalala ko po nasaaktan po ako…I asked him po n magkaroon po kmi ng space for 1 month as in wal pong communication. I was reading my bible, praying pero di ko po makuha yung tamang sagot, opinion and suggestion po ng close frends ko po sa church and parents na to let go kasi di pa kmi magassawa nagawa niya na. pero lagi ko pong najustify na by God’s grace magababgo naman at second chance nmn…

nahihirapan po ako magdecide malapit ko na po maubos yun mga podcast. pro nhihirapan po ako…pero alam ko po kailangan ko po xa iwan kasi hindi po xa worth it pero di ko po alam kung bakit di ko mapaninidigan na iiwan ko n po xa…matigas po pa ulo ko at nagbubulagbulagan lang po ako…

ANSWER:
Okay… mahabang tanong na medyo simple ang sagot. #1 – matigas nga ang ulo mo pero okay lang yun kasi minsan kailangan tayo mauntog sa katotohanan. Ang good news may mga friends ka na nakakaita objectively kung anong nagyayari. Ang tanong mo – anong ‘yare? Ayun, yung boyfriend mo – two timer. Hindi mo pa asawa, may capability na to go two time. Kung kapatid kita, sasabihin kong sister BULAG KA BA SA KATOTOHANAN???

#2: May malaking probability na Iiwan ka niya ulit kung may nakakita siyang ng ibang mas better sa iyo. I think you don’t deserve the guy though opinion ko lang naman yun. Alam ko kahit anong basa mo sa Bible – u have to get the principle. You are single, you have a choice. Hindi ka pa tali sa isang desisyon na baka pagisishan mo. Pwede ka pang mag-antay ng lalaki na magmamahal sa iyo tulad ni Lord.

images-1

2.  I just came from a break up. My ex and I were living  together for 5 years. We broke up because she cannot understand that we cannot live together. I think we broke up because I changed. I’m different. By the way, machonurin ako sa kanya to the fullest extent. She cheated on me din. She does not respect me, there was this one time when she forced my friends out of the house during a party. It was a struggle to leave her, so I prayed to God for an intervention. Then it all happened, my ex saw me with a Christian friend in the church and thought that I’m having an affair. I was kicked out of the house.I am now 30 years old. I really don’t want to be back with my ex anymore. I don’t miss here at all. Of course I still care. Am I making the right decision here? My Christian friend is my ultimate crush. I met her 13 years ago. I just have this overwhelming feeling that she’s the one. We weren’t close back then but we are now, it feels like I know her all my life. I spend most of my time now with my Chrisitian friend. My plan is to get to know her more. I don’t want to make it look like a rebound so I have not told her my intentions yet. But it is just so hard not to tell her. NO! It is harder to tell her pala. I’m praying for the right time. Pero Pastor, sa tingin nyo po what should I do?

 

Sa tingin ko masyado kang nagmamadali. Sa tingin ko lang naman so dont quote me on this. You came from a breakup na di maganda ang foundation at di maganda ang break up. Ibig sabihin, ngayon na kay Lord ka na may change of values dahil alam mo ang tama sa mali. Kung ako ikaw, antay – antay ka lang. Suggest ko, mas laliman mo pa yung relationship with the LORD rather than on your Christian friend. May possibility din kasi maging rebound girl siya.

Mukhang madami ka pang kakaining bigas. Yung past relationship mo, magulo. You were not respected by the girl. Duda ko kasi you have minimal leadership skills to lead the relationship. Build mo muna yun bago yung love life mo para when the right girl comes along, you can lead her well.

Facebooktwittergoogle_plusmail

Comments are closed.