Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

My Advice To My Twenty-Something Self #Lovelife

I just turned 31 last month. Whew! 😉

As I was pondering on my life (see previous blog here), the things I did wrong and the things I did right…Naisip ko din bigla…

“Kung may mai-papayo ka sa mas nakababata mong sarili ngayon, ano ang sasabihin mo sa kanya?”

Well, sa totoo lang marami. But let me focus right now on my advice in terms of relationships, promises and courting. At habang kumakain ako ng biskwet kanina, ito ang naisip ko:

instaquote-_temp

 

OUCH! Oo nasaktan ako sa sinabi ko sa sarili ko. Kasi alam ko sakit ko ito. At alam ko din na madami sa mga lalaki ngayon, sakit din nila ito.

Habang binabasa ko to, ito ang mga na realize ko:

1. Ang lalaki, kailangan talaga matutong manligaw. (See previous blog about this here). Hindi yung M-U, M-U lang ha? Yung totoong ligaw. Yung sasabihin mo talaga sa kanya at magtatanong ka kung pwede ka bang manligaw. Kasi para walang grey-areas. Kung oo, eh di masaya. Kung basted…ayun. (binasted ka ba? Basahin mo ito: CLICK). Sabi nga ng kanta ni Zedd, dapat may “Clarity”. Kasi pag hindi clear, ibig sabihin, lugi yung girl, kasi pwede mo syang i-DUMP na lang kapag feeling mo hindi mo pala siya type. Kapag manliligaw ka, malaki ang chance na hindi padalos dalos ang desisyon mo at pag iisipan mo talaga siya, diba?

2. Huwag puro pangako. Ito yung iba sa mga pangakong nabitawan ko na sa ibang babae:

“ikaw lang mamahalin ko, forever!”

“oo naman, papakasalan kita (kahit wala pa naman talaga akong plans)”

“hindi tayo mag hihiwalay, as in!”

Minsan ginagamit ko pa name ni God sa mga promises ko…

Sabi sa Bible:

“And don’t say anything you don’t mean. This counsel is embedded deep in our traditions. You only make things worse when you lay down a smoke screen of pious talk, saying, ‘I’ll pray for you,’ and never doing it, or saying, ‘God be with you,’ and not meaning it. You don’t make your words true by embellishing them with religious lace. In making your speech sound more religious, it becomes less true. Just say ‘yes’ and ‘no.’ When you manipulate words to get your own way, you go wrong. – Matthew 5:33-37, The Message, emphasis added.

Kasi,

What do you know about tomorrow? How can you be so sure about your life? It is nothing more than mist that appears for only a little while before it disappears. – James 4:14, CEV

Ayun..na realize ko ang mga bagay bagay pinagdadasal, at, ginagawa. Ako kasi dati, sinasabi muna, tapos saka pinagdadasal, tapos pag na realize ko di ko pala kayang gawin…Boom! Panes! Lagot!

3. Magkaroon ng plano sa buhay. Need I say more? Lalaki tayo eh. Ang plano sa buhay hindi lang sa career, pati din sa relationships. Tapos yung plano sana pinagdadasal diba? Kung may faith ka kay God, maniniwala ka, na ang plano Niya para sayo, maganda, sometimes mas maganda pa sa plano mo sa sarili mo.

Sana may na learn kayo. Ito yung mga na learn ko sa ilang taon ko ng pagiging twenty-something. Sana maka tulong din sa inyo. God bless you kapatid!

 

Facebooktwittergoogle_plusmail