Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Mukhang Two Years pa before my BF wants to settle down…

Hello po…gusto ko lang po itanong what if sinabi po ng boyfriend mo na he is not yet ready to get married baka after 2 years pa… Hindi po ako nagpropose, we were talking about marriage and then suddenly the words came out to his mouth…We were together for almost 2 years and I was quite dissapointed…hindi po ako nagmamadali magpakasal pero i felt that we were not in the same level sa relationship namin…Anu po gagawin ko..kasi I was thinking and asking God if I am going break him..kasi baka I am wasting my time. Thanks po – May

caution-delays-ahead

Hi May,

Thanks for your question and I feel your frustration. Lately, usong uso ang mga long engagements or if not long relationships. Meron tayong Long Distance relationships at uso na din ang very long relationship without the intent of marriage.

Ang girl kasi gusto niya ng plano at stability. Si Lord binigyan tayong mga lalaki ng instinct to plan and make sure our spouse will be secure because we do have a plan. May – itanong mo sa BF mo, sure na ba siya sa plan niya na two years. If hindi pa din siya makasagot – it would be good for both of you to consult a couple that you look up to and share your situation. Baka naman kasi may naiisip ang BF mo kaya siya hesitant now. At the same time, I feel you kasi ang tagal naman din ng 700 days pa bago magpakasal which is no guarantee also.

Sa mga guys na nagbabasa nito, maganda din bago kayo manligaw – dapat may intent to marriage na din. Yan ang turo sa akin nung single pa ako kaya wala muna ako niligawan nung di pa ako handa sabihing will you marry me. Dapat within a year or two pwede na mag settle kung nagsimula kang ligawan ang isang girl. (personal opinion lang naman)

May – nasa sa iyo ang desisyon. Kaya mo ba talaga mag-antay ng 2 years? Kaya mo din ba na hindi siya yung papakasalan? Mahirap ang tanong mo – ikaw lang ang makakasagot. Pag pray na lang kita.

For your love questions email me at dennis2059@gmail.com. If maganda ang tanong mo baka ma feature ka pa sa 103.5 K-LITE.

 

Facebooktwittergoogle_plusmail