Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Bro, Ang Labo Mo Naman, Malinaw Ba?

Maraming bagay na kailangan mong gawin kahit hindi malinaw ang lahat. Minsan kasi hindi naman magiging malinaw ang mga bagay hangga’t hindi ka nagsimulang humakbang. Tulad ng “faith”- minsan kailangan ikaw ang unang mag “step  out” para malaman mo kung totoo talaga ang mga pangako ng Panginoon sayo.

May mga bagay din naman na kailangan malinaw. Tulad ng presyo ng paborito mong banana cue. Pag nagtanong ka kay manag kung magkano, hindi naman pwedeng ang sagot niya “bahala na!” o kaya naman “ah, depende, iho..” gusto mo malaman kung sampung piso, bente o isang daan ang isang stick ng banana cue, diba? At least alam mo kung bibili ka o hindi.

May sirekto ako. Hindi talaga ako mahilig sa mga bagay na malabo. Mahilig kasi ako mag plano. Ewan ko ba. Ang hirap lang ng mga bagay bagay kapag hindi malinaw ang expectations, at intentions. Lalo na kapag may ibang taong involved- baka may hidden agenda diba? Mabuti na yung malinaw. Ang tawag ng boss ko dito “laying your cards on the table”.

labo
labo nga! haha!

Pero, sigurado akong mag-a-agree ka kung sasabihin ko, na mahirap din sa isang relationship pag malabo. Whether sa start, sa gitna or sa katapusan ng relationships. Actually, dati, gustong gusto ko yung malabo sa simula ng relationships, kasi dati ayaw ko ng commitment eh. Alam mo yun, yung pag gusto ko yung babae, nag papa haging lang, yung medyo M-U…tapos hihirit ako ng pa-daplis. Syempre gusto kong malaman kung gusto niya din ako bago ako manligaw- para sigurado! At least habang hindi pa sure, pwede din ako makipag M-U sa ibang girls. Tapos mamimili na lang ako. Convenient na, safe pa!

Na realize ko unfair yun. (read: here)

Kasi, baka yung girl, na stir-up ko na yung emotions niya towards sa akin. Syempre pag M-U may special treatment. Minsan lumalabas kami, na kaming dalawa lang, o kaya late night talks sa phone (minsan hanggang morning) mga ganun. Ang ganda nga ng turo ng mga kaibigan ko sa church, ang sabi nila dapat daw nag lay down ako ng intentions ko. Wow! Bago yun ah! Sabi ko sa sarili ko.

Ang ibig sabihin pala noon, ay yung ipagtatapat mo sa babae na gusto mo siyang ligawan bago mo pa man din siya i-trato ng “special”. Nang sa ganon hindi siya ma confuse kung magkaibigan ba kayo or mag-ka-IBIGAN (gets?). Ang sabi pa nga nila, mas maganda kung yung intention mo long term at sasabihin mo yun sa babae. Yung sasabihin mo yung plano mo sa relationship sakaling mag work out. Kapag nag work out lang naman, kapag hindi… yun lang, basted! (na basted ka na ba? Basahin mo ‘to) Ok lang yan. Love ka ni God, pare. Sure yan.

Sana matuto ang mga lalaki maging malinaw no? Kasi kapag malinaw, parang respeto mo na yun sa babae at sa parents niya. Pag malinaw ka mas nakaka challenge, kasi, hindi ka na pwedeng makipag laro ng feelings sa iba, parang may loyalty ka dun sa liligawan mo. Tapos pag malinaw yung intentions ng mga lalaki, mas na cha-challenge din yung mga babae na maging malinaw sa sagot nila: oo o hindi. Walang “pwede” – kasi hindi naman ito pinoy henio eh.

Pero, don’t get me wrong ah, madami din naman nag wo-work out na relationship kahit hindi malinaw ang simula. Yun nga lang, mas mahihirapan yung guy kasi sa simula pa lang hindi na siya nasanay sa commitments. Malaki din ang chance na maging madali sa kanya iwan yung girl pag may problema na, kasi una, hindi naman clear ang lahat eh. In other words, pag walang clarity, late na matutunan ng guy yung mga lessons na kailangan sa simula pa lang na practice na niya. Tulad nga ng commitment, honesty at iba pa.

Sana may natutunan kayo sa sinulat ko tungkol sa mga lalaking malabo. Malinaw ba?

Facebooktwittergoogle_plusmail

Comments are closed.