Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Lord Pahingi Ng Lovelife, Ktnxbye!

Hoy_IkawPrayer yan ng madaming lalaki. Naging prayer ko din yan. At sana, prayer mo din yan. Huwag ka ma guilty sa pag pray sa lovelife mo bro. Sabi nga sa 1 Peter 5:7, He cares.

Pero alam mo ang malungkot, kapag sinagot na ni God yung prayer natin, tapos bigla tayong mawawala sa Kanya. Parang ginawang genie lang si God. Magiging busy na kayo ng sweetheart mo sa date, tapos biglang wala ka ng pamasahe papuntang church. O kaya, parati kayong nag la-last full show at madalang na ang pagdadasal mo sa kanya bago ka matulog, tapos puyat ka sa umaga kasi nag uusap pa kayo hanggang 3AM, kaya ayun, di mo na din nakakausap si God pag gising mo. Lungkot no? Well, si God malungkot, sure yan.

Noong Sabado, madaming lalaki sa church ang umattend sa Act Like A Man summit. Madmi kaming natutunan doon, at isa na dito ang pagiging isang leader ng lalaki. Natural design daw pala ni God talaga sa lalaki ang maging leader sa pamilya. Hindi lang sa pera, lalong lalo na sa spiritual leadership. Naku, papano na ‘yan, kung mag boyfriend-girlfriend pa lang eh bumibitaw na kay God?! Papano niya e-encourage ang asawa at mga anak niya na mag pray, o di kaya magpunta sa simbahan as a family kung sa simula pa lang medyo pre-occupied na si koya sa ibang bagay?

Sa totoo lang, na realize ko, sobrang laki ng tulong ng pagging connected kay God pag may relationship ka sa opposite sex. Heto nga nilista ko ang mga naisip kong dahilan:

1. Purity is hard IMPOSSIBLE without God. Sure ako maganda ang girlfriend mo, kaya mo nga siya niligawan eh. Alam mo na… pag parati kayong magkasama. Ang sabi nila sex starts in the mind. Sa tingin ko totoo eh. Kung importante sa inyo ang mag obey kay God (sana..), at ma preserve ang purity ng isa’t isa, sobrang importante na connected kayo kay God na dalawa. Yung daily nakakausap mo si God tungkol sa mga struggles mo, mga sikreto sa utak mo. Ganun. Kasi kapag wala si God sa picture, sobrang imposible gamitan lang ng will power ang purity. What is God’s standard for sexual purity for Christians? Read: Ephesians 5:3. Imposible diba?

2. You cannot give what you don’t have. Ang gusto mo kasi yung makapagbibigay ka ng totoong love sa partner mo eh. Yung love na may understanding, patience, patience, at chaka patience. Dapat may paghugutan ka niyan. Kasi kapag sayo lang galing yan… good luck talaga! Tanong mo sa mga may asawa- alam nila ‘yan! Kaya dapat ang pagmamahal na binibigay mo kay God mo hinuhugot. Otherwise puro kayo expectations, tapos pag isa sa inyo hindi na meet yung expectations…world war 5!

3. Ang tunay na lalaki MATULIS! Yes! Sabi sa word ni God:

Iron sharpens iron, and one man sharpens another. – Proverbs 27:17, NIV

We are sharpened by other men who have gone before us. Mentors can give us godly advice. Accountability partners also can help us when it comes sa mga struggles natin. Malaking bagay din na may ka bounce-off tayo ng ideas about dating, and being the man we ought to be sa mga partners natin. Kaya na appreciate ko yung spiritual family sa church, may mga events kagaya ng Act Like A Man summit, etc.

Ang saya ng may kasama sa paglalakad kay God diba? Gusto mo bro, join ka sa amin, tuwing Wednesday, 7PM, sa Victory Greenhills, open sa lahat ng men yun, kahit ano ang status sa lovelife: zero, double, o kaya multiple (yung may anak at may mga apo! Kaya multiple!). For this month puro tungkol sa MANHOOD ang pag uusapan natin dito. Huwag ka mawawala ah!?

Facebooktwittergoogle_plusmail

Comments are closed.