Loading…

ACT LIKE A MAN

Click the button below to start your journey towards being the man God called you to be
Start Now!

Nakakapagod Na Magpa Cute sa Mga Girls

Magastos pumorma, kasi yung ibang girls gusto may swag, yung iba gusto medyo formal. Tapos yung iba gusto sweet, yung iba naman gusto intelligent look. Nakakapagod din pala maging single tapos naghahanap ka ng magiging partner no?

Naisip mo din ba ‘yan?

Ako naisip ko yan dati. Nakakapagod talaga. Pati bulsa mo mapapagod. Kasi lilibre mo yung isang group ng girls, tapos dun sa kabilang group kailangan mo din mag hang out so gagastos ka din doon. Hayy..buti na lang kasal na ako! Hehe!

Alam mo noong Act Like A Man summit may narinig ako doon na sobrang na appreciate ko. Ang sabi ni Pastor Joseph Bonifacio, sabi niya, kalimitan daw kasi gusto natin maging Mr. Hearthrob. Boom! Tapos na realize ko, ayun, kaya naman pala napapagod tayong mga lalaki minsan, kasi gusto natin lahat ng babae magkaka gusto sa atin. Tapos collect, then select. Wa-is! Parang machinegun, baril ka lang ng baril lahat ng matumba, sayo na!

Napapagod ka baPero ang tunay na lalaki pala, marunong dumiskarte. Yung diskarte na hindi machine gun, yung…diskarteng sniper! Yung isang babae lang ang gusto, liligawan niya ng maayos, at pag maganda ang kinalabasan, handa niyang pakasalan. Hindi yung parang nanonood ng cable TV, pa lipat lipat ng channel. Ang mahirap kasi pag palipat lipat ng channel madami ka ngang nakikita wala ka namang natatapos ng buo na show.

Ang malungkot nito, yung mga hearthrob, minsan sa sobrang tagal nila sa pagiging “player” hindi nila namamalayan matanda na sila, tapos ma re-realize na lang nila, mas madami na silang nasayang na oras, at pera, pero wala pa din sumeseryoso sa kanila. Minsan naman parang roleta. Nagulat na lang sila they ended up with a girl they don’t really like, or worse…they don’t really love. Tsk, tsk, tsk.

Hind ba parang mas may sense yung, mag invest ka ng time, effort at money sa isang babae na talagang pinag dasal mo kay God? Diba, sa bandang huli, anu man ang maging resulta, mas worth it? Mas fulfilled.

Iyan ang malaking bagay na natutunan ko. Iba rin kasi kapag ang mga lalaki ay desidido, at buo ang loob na ligawan at mahalin ang nag iisang babae sa buhay nila eh. Iba eh. Malaki din ang naitutulong kung may mga role model ka, na pwedeng mo tingnan ang buhay nila bilang lalaki. Kasi sa panahon natin, ang role model ng mga lalaki yung may pinaka maraming chicks eh.

Ang hirap talaga magpaka lalaki ngayon. Kaya ang parati kong sinasabi sa mga kaibigan ko, kailangan magdasal at humingi ng lakas at talino – kung paano maging tunay na lalaki na may pag galang sa babae at may takot sa Diyos. Besides, ang sabi ni God, “love one another”, hindi “love another one (and another one, and another one…)”. Huwag mo ubusin, mag tira ka naman para sa ibang lalaki!

O siya, huwag mo pagurin ang sarili mo ah. Pili ka lang ng isa, ‘tol.

 

(Siya nga pala nandito yung ibang notes sa lessons ni Pastor Joseph na “Moves Ng Mge Engot”, buti na lang may lalaking nag sulat noong araw na yun! : http://sociolojill.tumblr.com/post/77872097758/mens-talk-podcast-2-ptr-joe-bonifacio )

Facebooktwittergoogle_plusmail